![](https://i0.wp.com/colathome.colf.edu.ph/wp-content/uploads/2024/02/edsa-cof5.jpg?resize=928%2C1024&ssl=1)
Bilang paggunita sa makasaysayang EDSA Revolution, ikinwento ng mga estudyante ng 15s16s sa klase ng 9s10s ang istorya na inilathala ni Augie Rivera na pinamagatang Isang Harding Papel. Ito ay tungkol sa isang batang nagngangalang Jenny na naghahangad na makasama ang kanyang ina na isang political prisoner noong panahon ng Martial Law. Tuwing dadalaw ito sa kanyang ina, siya ay binibigyan nito ng papel na bulaklak, isang simbolo ng kapayapaan at pananalig na isang araw ito ay makakamit. Sabay na gumawa ng mga papel na rosas ang 15s16s at 9s10s class habang pinag-uusapan ang Martial Law at EDSA Revolution.
![](https://i0.wp.com/colathome.colf.edu.ph/wp-content/uploads/2024/02/edsa-cof4.jpg?resize=1024%2C526&ssl=1)