Ang Magandang Parol
Ang tulang “Ang Magandang Parol” ay isinulat ni José Corazón De Jesús, o mas kilala sa bansag na Huseng Batute. Ito ay tungkol sa isang lolo na gumawa ng napakagandang parol. Ito ay nagsilbing alaala niya sa kanyang apo. Ang parol ay isa sa mga simbolo ng Pasko sa Pilipinas. Bawat tahanan, ay nagsasabit ng parol. Malaki man o maliit, napapaganda ng parol ang bawat tahanan.