Tula Para sa Pasko
Ang mga mag-aaral ay naatasang gumawa ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng pasko at ang kahulugan nito. Ayon sa kanila, ang Pasko ay isang mahalagang okasyon na nagbibigay-diwa sa pagkakaisa pagmamahal. Ito ang panahon kung saan ang mga pamilya at kaibigan ay nagtitipon-tipon upang ipagdiwang ang pagmamahal at kasiyahan. Sa gitna ng kagipitan at pagsubok, nagbibigay-aliw at inspirasyon din ito. Ang Pasko ay nagpapahiwatig ng pag-asa at bagong simula. Ito rin ay panahon ng pagtulong sa kapwa, nagpapalaganap ng kasiyahan at kabutihan sa buong mundo. Sa kabuuan, ang Pasko ay nagdudulot ng ligaya, pag-asa, at pagkakaisa sa ating mga puso.
Tula Para sa Pasko
Isinulat ni Renee De Las Alas
Magpapasko na naman
Magtitipon muli ang pamilya
Naririnig ko na ang malakas na tawa
Galing sa mga tita at tita ko
Nasasabik na akong makita ulit ang mga pinsan ko
Nasasabik na akong makipaglaro at magbiro sa kanila
Nasasabik na akong kausapin sila
sabik na sabik akong makita ulit ang mga pinsan ko
Tuwing pasko ay maingay ang bahay
Dahil puno ng tunog ng kaligayahan at kagalakan
Maririnig mo ang tawa namin ng mga pinsan ko
Maririnig mo ang aking mga magulang, tita’s at tito’s na nagbibiruan
Laging masaya ang pasko namin
Dahil lagi kaming magkasama ng buong pamilya ko
Nag bibiruan at nag chichismisan
Kasama ng mga taong pinakamamahal namin
Tula para sa Pasko
Isinulat ni Jose Marco Goseco
Ang snow (niyebe) ay nasa lahat ng dako
Nagtatawanan ang mga bata
Kumakain kasama ang pamilya
Mga regalo sa lahat ng dako
Ang Pasko ay tungkol sa pamilya
Ang Pasko ay tungkol sa kapayapaan
Ang pasko ay ang pagpapasalamat
Ang Pasko ay tungkol sa pagbibigay
Walang paaralan o takdang-aralin
Nagre-relax tuwing Christmas break
Masayang-masaya kasama ang mga kaibigan at pamilya
Maraming pagkain at regalo
Ito ang buwan ng kagalakan
Ito ang buwan para sa mga bagong resolusyon
Ito ang buwan para sa pagmumuni-muni
Ito ang buwan upang magpasalamat sa mga bagay na ibinigay sa iyo
Tula para sa Pasko
Isinulat ni Jan Raiza Gomez
Ang kapaskuhan ay ang panahon ng saya,
Ito ang oras at araw ng maliwanag na ligaya.
Saan ka man tumingin, kaliwa o kanan,
Ang kaarawan ni Hesus ay nagbibigay ng pag-asa.
Puntahan mo ang iyong nanay at tatay,
Sila ang nagbigay sayo ng iyong buhay.
Minahal kahit hindi perpekto,
Kaya tayo’y magdiwang.
O kaya naman patawarin ang mga nagkamali.
Ang mga kasalanan ay huwag itanggi.
Lahat tayo ay dapat magkakaisa,
Dahil sa dulo ay baka tayo magsisi.
Nakita mo ba ang kaibigan mo sa kanto?
Yayain mo siya na kumain ng bulalo.
Mas masarap ang pagkain kapag may kasama,
Malamig ang hangin, pero mainit ang puso.
Ito ang Pasko, mga tao ay nagsisimba.
Ang iba naman,ang mga kamag-anak ay bumibisita.
Sa gabing ito, tumawa’t umawit.
Isa nanamang Pasko, isa nanamang alaala.
KAPAYAPAAN
Isinulat ni Emmanuel Charles Tobias
Ano ang kapayapaan?
Ito ba ay nananatili sa puso natin?
Ito ba ay nawawala dahil sa kagustuhan nating ng kapangyarihan?
Tinatapon ba natin ang kapayapaan sa mundo dahil sa mga bisyo?
Kung wala ang kapayapaan, matitira ang paghihirap at karahasan.
Kung wala ang kapayapaan, maraming inosenteng tao ang mamatay at madadamay.
Kung wala ang kapayapaan, ang mahal ay unting mawawala sa mga puso ng tao.
Kung wala ang kapayapaan, ang ugali ng tao ay parang mga hayop.
Kung ang kapayapaan ay nasa mundo, matitigil na ang paghihirap at karahasan.
Kung ang kapayapaan ay nasa mundo, walang inosenteng tao ang madadamay o mamatay.
Kung ang kapayapaan ay nasa mundo, ang mahal ay unting babalik sa mga puso ng tao.
Kung ang kapayapaan ay nasa mundo, ang ugali ng tao ay parang ugali ng tao.
Sana ngayong Pasko, manatili ang kapayapaan.
Sana ngayong Pasko, magmahalan ang bawat tao.
Sana ngayong Pasko, wala na ang karahasan.
Sana ngayong Pasko, maging masaya tayo.
“Ber!”
Isinulat ni: Elias Salubayba
Pagdating ng buwan ng “ber”
Hudyat na iyan para sa simula ng Kapaskuhan
Naghahanda na ang lahat
Para sa masayang pagdiriwang
Mayroong parol dito at parol doon
Gawa ang mga ito sa iba’t ibang materyales
Kinakabit na ang mga palamuti
Tinatayo na rin ang mga Christmas Tree
Maraming ginagawa ang lahat para sa darating na pagdiriwang
Pinaplano na ang mga bibilhin at kakainin
Nagkukumahog na ang iba
Para makumpleto ang handa sa Noche Buena
Disyembre na!
Nagkikita-kita ang buong pamilya
Pwede rin itong araw ng pahinga
Pero kailangan mong laging alalahanin ito
Ang pagbibigayan at pagmamahalan ang tunay na diwa ng Pasko
Mahalagang magbigay at magmahal sa kapwa
Pamilya man ito, o kaibigan
Mahalagang-mahalaga ito sa Pasko
Punong-puno ang Pasko ng saya at galak
Kasama ang pamilya o ang barkada
Laging tandaan ang pagbibigayan at pagmamahalan
Ang Pasko ay isang pagdiriwang na para sa lahat!